Suspek sa pagpatay kay Brigada Executive Quintoy, pinangalanan na

Pinangalanan na ng mga otoridad ang suspek sa pamamaril-patay kay Brigada Executive Office Director Chief of Staff Yentez Quintoy.

Sa press briefing ngayong hapon, kinilala ni PCAPT. Abdulsalam Mamalinta ang suspek na si Ralph Gerald Sorabia alyas ‘Raprap’, 27 anyos, admin officer ng Global Dynamic Star Security Agency. 

Read More:  Romualdez camp cites recantations, but Ombudsman cites 28 witnesses in flood control probe

Napag-alamang mahigit isang taon nang nagtatrabaho si alyas Raprap sa nasabing ahensya.

Tatanggalin pa lamang umano sa trabaho ang suspek at ang biktima ang nagsikap na mapatanggal ito sa trabaho. 

Read More:  DPWH targets 11,395 infrastructure projects in 2027

Sinabi ni Mamalinta na mayroong alibi ang suspek sa krimen pero mayroong witness na nakakitang si alyas raprap umano ang nasa likod ng pamamaril sa Brigada executive.

Naniniwala ang pulisya na matibay ang ebidensya laban sa suspek at suportado ito ng mga affidavit, at mga nagdaang insidente na nagco-corroborate sa nakita ng saksi.