Active cases ng covid-19 sa Pampanga, bumagsak na lang sa halos 50

Bumagsak na lamang sa halos singkwenta ang active cases ng Covid-19 sa lalawigan ng Pampanga.

Sa huling datos na inilabas ng Pampanga Provincial Information Office, tatlo lang ang bagong kaso na nadagdag nitong weekend.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa kasalukuyan, mayroong 83, 605 na confirmed cases ang lalawigan kung saan 47 na lamang ang aktibong kaso.

80, 518 naman ang bilang ng mga naka rekober na habang 3, 040 ang mga nasawi dito dahil sa naturang sakit.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Samantala, 12 bayan at syudad na sa Pampanga ang nakapagdeklara na ng “zero active cases” ng Covid-19.