2 truck ng mga basura, regular na nakukuha mula sa mga kanal ng Olongapo

Nag-aalala na ang City Engineerings Office ng Olongapo dahil sa pagdami ng mga basurang nakokolekta mula sa mga kanal ng lungsod.

Ito ay kahit araw-araw pa ang ginagawang declogging o pagtatanggal ng mga bara o harang sa mga drainage system para maiwasan ang pagbaha sa tuwing umuulan.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon kay City Engineer Bobby Alvarez, dalawang 6-wheeler truck ng pinaghalong putik at basura ang nakokolekta pero di hamak na mas marami ang plastics bottles, plactic bags at iba pa.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Tulad sa ibang lugar, maliban sa mayroong pondo ang barangay para sa declogging ng mga baradong kanal ay may hiwalay ring paglilinis na ginagawa ang city government.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO