Rank no. 3 provincial MWP na may kasong 3 bilang ng panggagahasa sa menor de edad at Acts of Lasciviousness, arestado sa Legazpi City

Himas-rehas na ngayon ang isang 44 anyos na lalaki na Rank no. 3 Provincial Most Wanted Person matapos silbihan ng warrant of arrest sa loob ng Legazpi City Jail sa Brgy. Bogtong ng kaparehong lunsod.

Kinilala ang suspek na si alyas “Japjap” na residente ng P-8, Brgy. Taysan, ng nasabing lungsod.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa report ng pulisya, nahuli ito dahil sa tatlong bilang ng Statutory Rape o panggagahasa sa menor de edad, kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan; bukod pa rito, may kaso rin ito ng Acts of Lasiciviousness na may kinalaman sa RA 7610 o Child Abuse at may piyansang aabot sa PHP180,000.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa ngayon, ang suspek ay nananatili pa rin sa Legazpi City Jail.