Dagdag na CCTV cameras, ilalagay sa provincial jail

KORONADAL CITY- MAGLALAGAY ng dagdag na mga closed-circuit television o CCTV cameras ang pamunuan ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC).

Ayon kay OIC Jail Warden Lory Celeste na ito ay isa sa mga proyektong kanilang ipatutupad ngayong taon.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Inihayag ng opisyal na magkakabit sila ng 20 mga CCTV cameras upang madagdagan ang kasalukuyang 13 CCTV.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa pamamagitan nito, mamo-monitor ng maigi ang labas at loob ng jail at mas mapapaigting pa ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad dito.