Culvert na sanhi ng pagbaha sa Princess Urduja sa Narra, papalitan na – NIA

Papalitan na ang culvert na nagiging sanhi ng pagbaha sa bahagi ng Barangay Princess Urduja sa bayan ng Narra, Palawan, ayon sa National Irrigation Authority.

Ayon kay Bernard Balocas, Senior Water Reources Facilities Technician- NIA, nasa bidding process na o pagpili ng kontraktor sa proyekto at may pondo na rin para dito.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Sa oras aniya na makapili ng kontraktor ay agad masisimulan ang irrigation facility rehabilitation at gagawin nang box culvert ang kasalukuyang culvert.

Read More:  26 hurt as modern jeepney and delivery truck collide in Cebu

Matatandaan na inireklamo noong nakaraang taon ang kasalukuyang culvert dahil umaapaw ang tubig at pumupunta ito sa kabahayan.