17 crew ng sumadsad na vietnamese cargo, nailigtas sa Palawan

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard ang insidente ng pagsadsad ng isang Vietnamese vessel o cargo sa karagatan ng Balabac, Palawan.

Lulan ng M/V Dolphin 15 ang labinpitong crew ( 17 ) na Vietnamese national mula Hai Phong Port sa Vietnam bago sila dumaan sa Tacloban City.

Sa imbestigasyon, nag-angkla ang barko sa karagatan 100 metro ang layo sa South West Cape ng Melville nitong Lunes hanggang sila’y abutan ng sama ng panahon kaya sumadsad ang cargo.

Read More:  Drug peddler arrested, P1M marijuana seized in Davao City

Ayon sa huling ulat ng Coast Guard, nasa maayos na kalagayan na ngayon ang mga crew sa Barangay Melville kasama ang kapitan ng cargo na si Dang Van Minh.

Read More:  Seven people escape serious injury after multicab plunges into 25-meter ravine in Cebu

Samantala, wala ring naiulat na oil spill sa kabila ng pagsadsad ng cargo.