Mahigit 400,000 Filipino seafarers, nanganganib dahil sa sailing ban

Nanganganib ngayon ang tinatayang 400,000 Filipino seafarers dahil sa audit na isinagawa ng European Maritime Safety Agency (EMSA).

Ayon sa naturang audit, ang Pilipinas ay hindi nagko-comply sa international maritime safety standards.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Mababatid na una nang sinabi ng EMSA na ang training at certification ng Pilipinas sa maritime institution ay hindi gaano nakasusunod sa guidelines na ipinatutupad ng International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers.

Dahil dito, ang European Commission ang siyang magdidikta ng magiging tadhana ng mga Pilipinong seafarers kasunod ang EMSA audit.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Kung susundin ng komisyon ang findings, hindi na nito kikilalanin pa ang competency certifications ng naturang seafarers, na maaaring magdulot ng pagababawal sa mga ito na makapagtrabaho sa European Union-flagged vessels at kawalan ng trabaho. // SMM