Most wanted sa kasong murder, timbog sa Liliw, Laguna

Tuluyang nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang itinuturing na Provincial Most Wanted Person ng mga kapulisan sa Liliw, Laguna, kahapon ng Linggo, Disyembre 18, 2022.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas ‘William’, residente ng Lucena City, Quezon.

Ayon sa ulat ng Liliw Municipal Police Station, sa bisa ng warrant of arrest ay naaresto si William sa Brgy. Isabang Lucena City.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Ang naturang akusado ay nahaharap sa kasong Murder na walang pyansang inirekomenda.

Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng Liliw MPS.