Pangulo ng Peru, pinatalsik dahil sa tangkang pagbuwag ng Kongreso

Pinatalsik ang Pangulo ng Peru na si Pedro Castillo matapos umanong tangkain buwagin ang kanilang Kongreso.

Inaasahang manunumpa ang Vice President nito na si Dina Boluarte bilang bagong Pangulo ng Peru, ngunit kakailanganing makakuha ng suporta sa iba’t ibang partido upang makapamahala.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Sa ulat, mayorya ng 101 members sa 130-kataong kongreso ng Peru ay bumoto para i-impeach si Castillo kasunod ng pagtatangka  na buwagin ang kongreso at ipatupad ang emergency government.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Ang panawagan ni Castillo para sa parliamentary elections na gumawa ng bagong konstitusyon ay nag-udyok sa sunod-sunod na pagbibitiw ng kaniyang gabinete at umani ng reaksyon mula sa matataas na opisyal at pagkondena mula sa mga kalapit na rehiyon.//CA