OPPAP: may tamang panahon para sa panunumbalik peace talks

Umaasa pa rin ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconcilation and Unity (OPAPRU) na mawawakasan na ang deka-dekadang insurgency sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni OPPAP Secretary Carlito Galvez na ‘optimistic’ pa rin itong magkakaroon ng resolusyon sa girian sa pagitan ng Gobyerno at ng mga rebelde sa tamang panahon.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

READ MORE:

Matatandaaang 2019 nang tuluyan nang i-terminate ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front of the Philippines o CPP-NPA-NDF.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Sabi ni Galvez, nagpapatuloy na muna sa ngayon ang mga localized peace talks pero naniniwala itong darating din ang araw na tulluyan nang mawawakasan ang insurgency.

Sa ngayon, hindi pa naman masabi ni Galvez kung mag-iisyu pa ng cease fire ang pamahalaan ngayong Pasko.
#