Lalaki, patay sa riding-in-tandem sa Sto. Tomas City, Batangas

Patay ang isang lalaki matapos na barilin ng riding-in-tandem sa Purok 3, Brgy. San Antonio, Sto. Tomas City, Batangas, dakong 5:07 ng hapon noong Martes, Disyembre 6, 2022.

Kinilala ng Sto. Tomas City Police Station ang biktima na si Christopher Baytan Y Dela Cruz, residente ng Blue Isle Subdivision, Brgy Sta. Maria, Sto. Tomas City, Batangas.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakaupo sa kanyang nakaparadang Honda PCX na itim na motorsiklo ang biktima sa harap ng isang establisyemento ng biglang dumating ang riding-in-tandem suspects.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Bigla na lamang bumunot ng armas ang hindi pa nakikilalang suspek at binaril sa ulo ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Ayon sa mga testigo, nakasuot ng itim na helmet at itim na jacket ang gunman na may taas na tinatayang nasa 5’ hanggang 5’6” habang ang kasabwat nitong driver ay walang suot na helmet, nakasuot ng gray shirt at may taas na nasa 5’3” hanggang 5’5”

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Agad na tumakas ang mga suspek sa hindi nalamang direksyon.

Napag-alamang naghihintay lamang ang biktima sa naturang lugar para sunduin ang kanyang misis ng mangyari ang insidente.

Patuloy pang iniimbestigahan ng Sto. Tomas CPS ang motibo ng mga suspek.