NAGA CITY- 184, 667 ang poor households sa Camarines Sur base sa record ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD)- Bicol sa pag presenta ng Listahanan 3 o Ang Talaan ng Pamilyang Nangangailangan.
Ang bilang ay pinakamataas sa rehiyon o may highest magnitude of poor, ang probinsya ang pinaka sa populasyon sa anim na mga lalawigan sa Region 5.
Hindi naisa-isa ng DSWD kung saang mga bayan ito, bagay na aalamin ng BNFM.
Ayon kay Regional Director Norman S. Laurio , ligtas sa impluwensya ng politika ang listahan dahil siyentipiko ang pamamaraan sa pagtukoy ng mga mahihirap.
Dumaan sa empirical process para malaman kung sino at nasaan ang mga nararapat na maging benipisyaryo ng mga programa ng DSWD tulad sa pangkabuhayan at marami pang iba.
84, 675 naman na households ang walang kuryente sa Bicol, pinakamarami ang Camarines Sur na mayroong 29, 266. Ayon kay Laurio isa ang elektrisidad sa ina-aassess sa listahanan. Gayundin ang uri ng bahay, hanapbuhay , trabaho, edukasyon at ilan pa.
Ayon kay Tambang, Tinambac Barangay Kagawad Grace Burac, maraming mga nagnanais na nakasama sa programa ng nasabing ahensya dahil naghihirap kaya mahalagang nakikipag cooperate ang nasa tahanan kapag mayroong mga ahensya ng pamahalaan na umiikot tulad na nga ng DSWD at ng Philippine Statistics Authority.