Public health emergency, mananatili dahil sa banta ng mga variants ng Covid-19

Kabilang sa mga dahilan kung bakit hindi pa naaalis ang state of public health emergency sa bansa ay dahil sa banta ng COVID-19 variants of concern.

Sa panayam sinabi ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante, very stable na ang covid-19 infections sa bansa at maging ang mga ospital ay hindi na overwhelmed sa mga bagong kaso.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Ang state of public health emergency ay idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong March 2020 na simula rin ng pandemya.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Sa ilalim ng Proclamation 922, ang state of public health emergency ay mananatiling may bisa hanggang sa alisin o bawiin ng Pangulo.

Kasalukuyan ding nasa ilalim ng state of calamity ang Pilipinas dahil sa coronavirus outbreak matapos itong palawigin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos hanggang Disyembre 31, 2022.//CA