Palasyo, kinumpirmang humiling ng ‘personal time’ si management staff head Angping

Humiling ng ‘personal time’ si Zenaida Angping, ang head ng management staff ni President Ferdinand Marcos, Jr.

Hindi naman sinabi ni Press Undersecretary Cheloy Garafil kung hanggang kailan magtatagal ang leave ni Angping, pero inaprubahan na umano ito ni Marcos Jr.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ang pahayag ng Palasyo ay sa gitna ng mga usap-usapan kaugnay sa umano’y resignation ni Angping.

Hindi pa naman pinapangalanan ng Malacañang kung sinu ang pansamantalang mamamahala ng Presidential Management Staff.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ang PMS ang responsable para sa primary staffing arm ng President of the Philippines, research at iba pang paghahanda na kinakailangan para sa briefing papers na ginagamit ng pangulo at para sa logistical at iba pang planning work para sa presidential trips sa parehong domestic at foreign.