3 NPA na imbuwelto sa engkwentro sa Casiguran, sinampahan na ng asunto

Nahaharap muli sa panibagong kaso ang tatlong NPA na imbuwelto sa nangyaring engkwentro noong Nobyembre 16 sa Brgy Tigbao, Casiguran, Sorsogon.

Noong Biyernes, Nobyembre 25 ay inihain ng Casiguran MPS sa Provl Prosecutor’s Office ang reklamong kriminal na Attempted Murder sa tatlong NPA na subject ng arrest warrant na sina Nicanor San Juan Florencio alias Ivan, Fernando Dialogo alias Karen at Rommel Sarzuela alias Ian.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Kung babalikan, ang tatlong rebelde ay hahainan sana ng kani-kanilang warrant of arrest sa kasong murder sa nasabing barangay nang paulanan ng mga ito ng bala ang arresting team na nagresulta sa isang armed encounter nang gumanti ang tropa ng pamahalaan.

Matapos ang engkwentro ay natagpuan ang bangkay ng rebel returnee na si Caesar Garces Groyon alias Poloy, 50-anyos, may asawa at naninirahan sa Brgy Somal-ot ng nasabing bayan.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Nakatakas naman ang tatlong rebelde na subject ng warrant of arrest.

Hinihintay pa ang resulta ng paraffin test na isinagawa kay Groyon upang matukoy kung ito ay kasamang nagpaputok din ng baril.