2 sundalong Indonesian, makukulong ng 7 buwan dahil sa gay sex

Dalawang sundalong Indonesian ang pinatawan ng pitong buwang pagkakakulong dahil sa gay sex na ipinagbabawal sa militar ng bansa bilang “inappropriate behaviour”.

Ang mga sundalo na sumali sa army noong nakaraang taon at nakabase sa Java ay inalis din sa army ayon sa desisyon ng military court na may petsang November 9.

Read More:  Two workers rescued after being trapped for nine days inside Nepal tunnel

Bagama’t ipinagbabawal ang gay sex sa militar, legal ito para sa mga sibilyan sa pinakamalaking bansa na karamihan ay Muslim, maliban sa konserbatibong lalawigan ng Aceh sa Indonesia.

Read More:  10 killed, 62 injured in explosion at military barracks in Bolivia

Ngunit mayroong malawakang diskriminasyon at ilang gay Indonesian ang inaresto dahil sa anti-pornography laws.

Noong 2020, sinabi ng Amnesty International na hindi bababa sa 15 miyembro ng militar o pulisya ng Indonesia ang sinibak dahil sa pakikipagrelasyon ng parehong kasarian sa mga nakaraang taon.//CA