Voters’ Registration para sa BSK elections, inilatag na ng COMELEC

Labing-dalawang araw na lamang ay muli nang mag-uumpisa ang voters’ registration para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa abiso ng Commission on Elections, la-larga na ang panunumbalik ng pagpaparehistro ng mga botante para sa BSK elections simula December 12, hanggang sa January 31 ng susunod na taon.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Bukas ang mga tanggapan ng COMELEC Lunes hanggang Sabado, kabilang na ang mga holidays, mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Inanyayaan ng poll body ang mga nais magparehistro na magtungo sa tanggapan ng kanilang mga eleciton offices, at mga satellite registration sites.

Read More:  Trump to visit Philippines for ASEAN summit in November

Bago ito, una nang inanunsyo ang pagpapatuloy ng overseas voters’ registration para sa 2025 national and local elections na isasagawa naman mula December 9 2022, hanggang September 30, 2024.
#