Lalaking nagalit sa pagtawa ng malakas sinaksak- patay!

Dead on arrival sa pagamutan ang isang binata matapos na dalawang beses saksakin ng suspek nitong Lunes, November 28, 2022 sa bahagi ng Proper dos barangay Samariñana Brooke’s Point, Palawan.

Sa ulat ng PNP, ang biktima na si Ian Dino Gales Idusma, 45 anyos, binata habang kinilala naman ang suspek na si Margarito Valoroso Gregorio Jr. Alyas Junjun, 42 anyos, may asawa at parehong mga residente sa nabanggit na lugar.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Sa imbestigasyon ng kapulisan, kagabi ay pumunta ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan habang ang suspek naman ay nasa kalapit na bahay.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Hindi umano nagustuhan ni Idusma ang malakas na tawa ng suspek kaya sinugod ito, sinipa ang gate at naghamon ng away.

Nang lumabas naman si Gregorio ay agad nitong sinaksak ang biktima sa leeg at dibdib.

Samantala, napag-alaman na ang dalawa ay kapwa nasa impluwensya ng alak.