PBBM, bibisita sa IRRI ngayong araw

Bibisitahin ni Pangulong Bongbong Marcos ang tanggapan ng IRRI, ‘o ‘yung International Rice Research Institute ngayong araw sa Los Baños, Laguna.

Ito ay para bisitahin at inspeksyunin ng Pangulo ang iba’t ibang mga teknolohiya at makinarya para sa pagpapaganda ng kalidad ng palay at bigas, at iba pang mga pag-aaral para sa pagpaparami nito.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Bahagi pa rin ‘yan ng mga hakbang ng Pangulong Marcos bilang Agriculture Secretary na mapatatag ang food security sa bansa.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Inaasahan din ang pakikipag-pulong ng Pangulo sa Director General ng IRRI na si Jean Balié at Board of Trustees Meeting para talakayin ang mga researchs ng tanggapan na hinggil sa bigas.