Lalaki tinaga ng sariling kapatid, patay sa Batangas

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang lalaki matapos itong tagain at mapatay ng kanyang kapatid sa Barangay Paraiso, Calatagan, Batangas.

Nakilala ng Calatagan Municipal Police Station ang suspek na si Herman Obrador y Bergado alyas Ulopong, 32-anyos at ang biktima na si Edecon Obrador y Bergado alyas Hamog, 40-anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang krimen noong Linggo, November 27, 2022 bandang alas-9:15 ng gabi kung saan habang nag-iinuman ang magkapatid ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan na nagresulta sa isang malalang away.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo, bigla na lamang kumuha ng itak ang suspek at saka pinagtataga ang biktima.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Nagtamo ang biktima ng ilang taga sa kanyang katawan na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Samantala, sumuko din naman kaagad ang suspek sa mga rumespondeng pulis.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang itak na ginamit sa pananaga.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Calatagan MPS ang naturang suspek.