Kustomer at J & T delivery rider na nag-viral sa social media, nagkapatawaran na

Nagkapatawaran na sa isa’t-isa ang isang kustomer at J & T delivery rider na nag-viral sa social media at  umani ng libo-libong negative reactions sa netizens.

Kahapon ay nagsalita na sa Brigada ang inireklamong kustomer na si Rogelio Graspela at sinabi nitong nagkaroon lang ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Henry Macajilos noong nakaraang Linggo.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Aminado umano siya sa nangyari pero humingi na rin ito ng paumanhin kay Henry.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Gayunpaman ay ipinangako ni ginoong Graspela kay Henry na hindi ito gagawa ng hindi maganda matapos ang nangyari, bagay na ipinagpasalamat ng rider.

Samantala, matapos ito ay inaasahang makakabalik na sa regular na trabaho si Henry sa darating na Huwebes.