John Riel Casimero magkakaroon ng stylistic mismatch sa Japanese fighter ngayong Disyembre

Kumbinsido ang beteranong boxing analyst na si Atty. Ed Tolentino na ang dating three-division champion na si John Riel Casimero ay magiging maingat para kay Ryo Akaho sa pagkikita ng dalawa sa loob ng ring sa December 3 sa Paradise City sa Incheon, South Korea.

Ang susunod na laban ni Casimero ay naka-iskedyul para sa sampung round sa 122 pounds.Mayroon siyang  31-4 record at 21 knockouts bilang isang professional boxer.

Read More:  Ernie Gawilan bags Philippines’ first gold at 2026 Asian Para Games

Habang si Akaho ay may 39-2-2 at 26 KOs at mas malaking fighter sa pagitan ng dalawa. Naniniwala si Tolentino na hindi mahihirapan ang taga Ormoc City na isara ang distansya laban sa Japanese veteran.

Read More:  Juan Gomez de Liaño leads Converge’s rout of Macau with triple-double

Sabi pa ni tolentino na “Style-wise, tailor-made si Akaho. Maaari umanong lumapit ang distansya ni Casimero at matamaan siya ng malakas. Si Casimero ay mahusay sa slipping jab. Aniya, nasa mabuting kalagayan si Casimero, nasa kaniya ang numero ng Japanese fighter na ito.//CA