Publiko hinihikayat pang magpabakuna kasunod ng pagpasok ng COVID-19 BQ.1 subvariant

NAGA CITY- Kinumpirma ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nakapasok na ng bansa ang COVID-19 Omicron subvariant BQ.1.

Inilarawan ito ng DOH bilang mas transmissible at mas immune evasive kung ikukumpara sa iba pang mga subvariants ng Omicron.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Kaugnay nito tuloy-tuloy ang kampanya ng kagawaran na magpabakuna at magpa booster shot, ayon kay DOH Provincial Officer Dr. Rey Millena hanggang may naitatalang kaso hindi dapat na nakakampante.

Kanya-kanyang diskarte ang mga LGU upang mabakunahan ang mga residente.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Sa San Jose Camarines Sur , ang lahat nang pumupunta sa Heath office ay hinihikayat pagpabakuna. May mga pumupunta rin aniya na ang rason ay para sa requirement paliwanag naman ni Dr. Arnel Armea dapat isiping para sa proteksyon.