25 na kalabaw, planong ipamigay sa Garchitorena Camarines Sur

NAGA CITY – 25 na mga kalabaw ang planong ipamigay sa Garchitorena ,Camarines Sur bilang parte ng mga programa sa pagpapalago ng agrikultura.

Ito ang binigyan diin ni Mayor Leda San Luis nang makapanayam ng Brigada News FM Naga.

Nais niyang magkaroon ng mga communal garden sa bayan na tataniman ng mga gulay at mga root crops. Malaki kasi ang paniniwala ng Alkalde na agrikultura ang makapagsasalba lalo na ngayong nagmamahal ang mga bilihin.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kaya naman maging pagbibigay ng mga binhi, pananim, at mga subsidiya sa kanilang mga magsasaka ay ipinagpapatuloy nila lalo na’t nais rin ng naturang LGU na huwag na silang bumili ng mga gulay sa ibang bayan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kasalukuyang naghahanap ng 25 mga kalabaw ang Lokal na Pamahalaan para ipamigay sa kanilang mga magsasaka na nasa bukid na hindi naabot ng transportasyon lalo na kapag nagbaba ng mga produktong itinanim, bukod sa nais silang tulungan paraan na rin ito upang maging magaan at madali na lamang para sa kanila ang pagbaba ng mga produkto.