Ekonomiya ng Pilipinas, nananatili umanong matatag sa kabila ng posibleng pagbaba sa 2023

Nananatili umanong matatag ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng inaasahang paghina nito sa susunod na taon.

Sa isang tweet, binanggit ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ang mga naging pag-uusap tungkol sa inaasahang downturn sa susunod na taon alinsunod sa mga projections sa global growth.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Aniya, matapos na malaman na lumago sa 7.0% ang ekonomiya ngayong 2022, maaari umanong bumagal ito dahil sa external headwinds at internal challenges.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang recession ay hindi umano dahil sa “very young population” ng bansa.

Samantala, inaasahan ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang full-year economic growth sa pagitan ng 6.5% hanggang 7.5% ngayong taon.//CA