Kalansay, narekober sa DOJ compound sa Maynila

Ipauubaya na ng Department of Justice (DOJ) sa Forensics Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsusuri sa mga nahukay na skeletal remains sa kanilang compound.

Ayon kay Justice Secretary Remulla, itinurn-over na sa NBI ang mga narekober ng remains para sa imbestigasyon.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Una nang sinabi ni Justice Undersecretary Dodo Dulay na ang NBI na ang tutukoy sa posibleng pagkakailanlan at edad ng mga narekober na kalansay.

Matatandaaang kaninang hapon nang madiskubre ang kalansay sa sa isang excavation site ng DOJ sa Padre Faura.

Read More:  VP Sara’s camp questions withdrawal of two impeachment articles

Nakita rito ang isang bungo mula sa hindi pa natutukoy na indibidwal.

Ang naturang paghuhukay ay bahagi ng ipinatatayong Justice Center Building 2 ng DOJ.
#

(05:30 PM UPDATE)