Lola Flora Gasser, pumanaw na

Binawian na ng buhay ang batikang movie at TV actress na si Flora Gasser sa edad na 89 noong Sabado.

Kinumpirma ng pamilya ni Gasser ang pagkamatay ng kanilang Lola, na ngayon ay kasama na rin ng yumao nitong asawa na si Harry Gasser, isang broadcaster.

Read More:  Claudine Barretto files cyber libel complaint against Cristy Fermin, Romel Chika

Hindi naman binanggit sa publiko ng kaanak ng aktres ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Read More:  Dawn Chang gets surprise marriage proposal from NAPOLCOM commissioner Ralph Calinisan on game show

Ilan sa mga palabas na pinagbidahan ni Gasser ay ang 2020 short film na “Nene,” “Batang Z” (1996), at “Kumander Bawang” (1988). //SMM