US, China defense ministers nagpulong sa ikalawang pagkakataon ngayong taon

Nagpulong sa ikalawang pagkakataon ang Chinese at U.S. defense ministers ngayong taon.

Ang naturang pulong ay hindi umano inaasahan na magdudulot ng major breakthroughs, pero tututok sa mga mahahalagang crisis communication at ng kanilang opposing views sa Taiwan.

Read More:  Nearly 200 OFWs to come home following attacks in Saudi Arabia

Bagama’t nakaharap na ni U.S. Defense Secretary Lloyd Austin si Chinese Defense Minister General Wei Fenghe sa Singapore noong Hunyo, ito naman umano ang kanilang unang meeting simula nang dumalaw sa Taiwan si U.S. House Speaker Nancy Pelosi noong Agusto, na ikinagalit ng China, dahil sa territorial issue.

Read More:  Five killed in Houthi missile attack on Yemen presidential palace

Sa kabila ng tensyon sa pagitan ng US at China, matagal nang inaasam ng mga U.S. military officials na mapanatili ang pagkakaroon ng open lines na kumunikasyon sa kanilang Chinese counterparts para mapigilan ang banta ng potensyal na flare-ups. //MHEL PACIA