Bantag, maggiging ‘wanted’ na kung ‘di pa susuko – SOJ Remulla

Ipauubaya na ng Department of Justice (DOJ) sa kanilang mga prosecutor ang posibleng page-extend ng deadline para sa pagsagot ni suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag sa kanilang subpoena.

Matatandaaang kahapon nang tanggapin na ng counsel ni Bantag na si Atty. Rocky Balisong ang subpoena laban sa kanya, para sa pagdalo nito sa Lapid slay case preliminary investigation sa DOJ bukas, araw ng Miyerkules.

Sa isang panayam, sinabi ni Justice Secretary Remulla na tuloy pa rin ang kaso laban kay Bantag.

Sinabi pa ng Kalihim na magiging ‘wanted’ na si Bantag kung hindi pa rin nito haharapin ang kanyang mga murder charges.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Sa kabila nito, nilinaw ni Remulla na hindi pa rin niya inirerekumenda sa Pangulo ang tuluyang pagsibak kay Bantag bilang BuCor chief.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin umano ang imbestigasyon sa nagsanga-sangang isyu na bumabalot sa New Bilibid Prison kabilang na ang daan-daang mga bangkay ng mga persons deprived of liberty, mga hayop na nadiskubre sa loob ng penitentiary, at pati na rin ang paghuhukay sa loob ng NBP.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Bago ito, una nang kinumpirma ni Remulla na inaaral na nila ang posibleng mga karagdagang reklamong ihahain laban kay Bantag para sa excavation project kasama ang ATOM Corporation sa ilalim ng isang joint-venture agreement.
#

RELATED STORIES:

DOJ: SJO2 Zulueta, buhay at hindi patay!

Kampo ni Bantag, tinanggap na ang subpoena

Bantag, naghukay para sa Yamashita treasure?

Justice Secretary Remulla, itinangging siya ang nag-utos na tirahin ni Lapid si Bantag

Kampo ni suspended BuCor chief Bantag, nanindigang hindi pa ‘served’ ang subpoena