ITCZ, Shearline, magpapa-ulan ngayong araw hanggang bukas

Tuloy pa ring makaaapekto ang dalawang weather systems sa bansa ngayong araw ng Lunes.

Ayon sa PAGASA, umiiral pa rin ang intertropical convergence zone o ‘yung ITCZ, pati na rin ang Shearline.

Ang ITCZ at Shearline ay inaasahang magdudulot ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan na may minsanang malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Bicol Region, Palawan, Aurora, Isabela, Cagayan, ilang bahaig ng Visayas, at Mindanao.

Read More:  6 Central Luzon provinces declared among hardest-hit by typhoons and Habagat

Asahan din ang mga pag-ulan sa bahagi ng Basilan, Sulu, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Agusan del Sur, at sa TawiTawi dulot ng ITCZ.

Read More:  Three tropical cyclones boost Habagat rains in Luzon as PAGASA tracks Pilandok

Nag-isyu rin ng heavy rainfall warning dulot ng shearline sa areas ng Camiguin Island, Fugal ISland, at sa Cagayan.

Sa Metro manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan pa rin ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin, na may tiyansa ng mga kalat-kalat na pag-ulan pagdating ng hapon o gabi dulot ng mga localized thunderstorms.
#