W.I.L.D Diseases, tinututukan din ng mga paaralan sa Bula,  Camarines Sur ngayong madalas ang pag-ulan

NAGA CITY-  Kabit-bisig ang Rural Health Unit ng Bula, Camarines Sur at School Nurses sa pag-iwas sa W.I.L.D Diseases (Waterborne infectious diseases, Influenza, Leptospirosis at Dengue).

Ngayong napapadalas na ng pag-ulan walang pinipili ang naturang mga sakit, lalo na mga bata.

Read More:  ₱2.2-M shabu seized; ex-police, seaman among 5 arrested in Iloilo

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Mylene Milla ng RHU Bula, sinabi nitong naaasahan nila ang mga personahe ng paaralan sa pag-papaalala at pagpapaintindi ng mga hakbang upang maiwasan ang mga ito.

Read More:  Active police officer, former soldier arrested in Pangasinan gun sale

Ipinagmalaki naman ni Milla na paisa-isa na lamang ang naitatalang COVID-19 cases at karamihan ay asymptomatic.