Qatar pinahiya ng Ecuador sa sariling home court sa opening game ng FIFA World Cup 2022

Pormal nang binuksan ang FIFA World Cup 2022 sa Qatar.

Subalit sa kabila ng makulay na opening ceremony dismayado naman ang mga fans ng host country matapos ang masaklap na pagkatalo ng Qatar sa Ecuador sa opening game ng World Cup.

Read More:  Ernie Gawilan bags Philippines’ first gold at 2026 Asian Para Games

Tinapos ng Ecuador ang laro sa pamamagitan ng 2-0 victory na naglagay sa kanila sa unahan ng Group A na may 3 points.

Naging malamya naman ang ipinakitang performance ng Qatar sa kanilang unang World Cup appearance sa kasaysayan.

Read More:  PSC to discuss penalties for online resale of athletes’ Asian Games gear

“The credit goes to the players because of their attitude, because of their commitment, because of their form, because of their intent,” ayon kay Ecuador coach Gustavo Alfaro matapos ang match.