CSC exams planong gawin sa pamamagitan ng online, regionalized gaya ng Bar exams

Plano ng Civil Service Commission (CSC) na isagawa ang kanilang “conventional pen-and paper examinations” at gayahin ang ginawa ng Supreme Court (SC) sa kanilang Bar examinations na online at regionalized.

Ayon sa SC’s public information office (PIO), personal na nag-obserba si CSC Chairperson Karlo Nograles sa pagsasagawa ng Bar examinations sa testing center sa Ateneo de Manila University sa Quezon City noong Nov. 20, ang huling araw ng four-day Bar tests.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Maliban sa pag-obserba sa actual conduct ng Bar examinations, ang kanilang pagbisita rin umano ay benchmark sa procedures at operasyon para sa formal integration ng best practices ng korte sa localized at digitalized civil service examinations.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Matatandaan na sinimulan ng SC ang pagbibigay ng online at regionalized Bar examinations sa joint examinations para sa 2020 at 2021, sa gitna ng COVID-19 pandemic. //MHEL PACIA