Hinamon ni Justice Secretary Boying Remulla ang kampo ni suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag na patunayan ang mga alegasyon nitong siya ang nag-utos kay Percy Lapid na bakbakan si Bantag sa kanyang programa.
Muling sinabi ng Kalihim na ayaw niya nang patulan pa ang mga patuloy na patutsada sa kanya ng suspended BuCor chief.
Ayon kay Remulla, puro alegasyon lang umano ang ginagawa ni Bantag at ‘di naman niya kayang patunayan na sa kanya nanggaling ang order para tirahin ni Lapid si Bantag sa radio program nito.
Pinabulaanan din ng Justice Secretary ang alegasyon ni Bantag na may pinalaya raw siyang dalawang persons deprived of liberty sa New Bilibid Prison.
Una na rin kasing kinwestyon ni Bantag kung bakit hindi iniimbestigahan ng DOJ ang isiniwalat niyang si German Agojo ang nasa likod ng krimen dahil ‘bossing’ ito nina self-confessed gunman Joel Escorial, at ang napatay na middelman na si Jun Villamor.
Sa huli, sinabi ng Kalhiim na hindi na raw dapat pang pagbigyan ng media ng pagkakataon na makapag-‘name-call’ si Bantag.
#
RELATED STORIES:
Kampo ni suspended BuCor chief Bantag, nanindigang hindi pa ‘served’ ang subpoena
Bantag, naghukay para sa Yamashita treasure?