P2.3-bilyon na pondo ng OVP sa 2023, sigurado na matapos na walang pagtutol sa Senado

Sigurado na ang P2.3-bilyon na pondo ng Office of the Vice President para sa 2023.

Ang budget ng OVP, sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte ay naglalaman ng P500 million confidential funds.

Read More:  10th Infantry Division denies AI-generated image showing support for Bato

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa plenary session ng Senado na ang budget ng OVP ay submitted na at walang naging pagtutol sa mga miyembro nito.

Read More:  Duterte to skip Nov. 2 ICC status conference

Tanging si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III lamang ang nagtanong sa budget ng OVP.

Una ng kinuwestiyon ni Pimentel ang confidential funds at sinabing hihilingin niya itong tanggalin sa tamang panahon. //CA