500 cops ipinakalat ng NCRPO sa Metro Manila para sa Bar exams

Nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang National Capital Region Police Office o NCRPO sa paligid ng limang lugar sa Metro Manila para sa taunang Bar Examinations na nagsimula ngayong araw.

Sinabi ni NCRPO Chief Brig. Gen. Jonnel Estomo, na nag deploy sila ng 500 police personnel na naglalayong hadlangan ang anumang hindi kanais-nais na insidente na maaaring mangyari sa November 9, 13, 16, at 20, 2022 bar exams.

Read More:  VP Duterte says officials should stop politics and prioritize peace, order, and development

Nais rin ng PNP na matiyak  ang kaayusan sa paligid ng limang testing venues, ang De La Salle University of Manila, San Beda University, Manila Adventist College, University of the Philippines-BGC at Ateneo De Manila University.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Ang 2022 Bar exams ay gaganapin sa 14 na local testing centers sa buong bansa: ang lima ay nasa Metro Manila, habang ang natitirang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao ay magkakaroon ng tig-tatlong lugar ng pagsusulit.

Mayroong kabuuang 9,821 ang inaasahang kukuha ng bar examinations sa buong bansa. //CA