2 school building projects sa Bicol, target matapos ng DPWH Bicol ngayong taon

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol na may dalawang school building projects sa rehiyon na target matapos ngayong taon.

Sa pahayag ni DPWH Bicol Information Officer III Justine Dayadante sa Brigada News FM Legazpi, sinabi niyang ang dalawang ito ay ang district engineering offices na mula sa ikatlong distrito ng Albay at sa Catanduanes.

Read More:  Three pedestrians injured in Lapu-Lapu hit-and-run

Aniya, ang kabuuhan nito ay nasa dalawampung mga silid-aralan. Nagkakahalaga umano ng pitong milyumpiso ang para sa Albay habang animnapu’t walong milyumpiso naman ang sa Catanduanes.

Read More:  24-year-old female rider dies in six-vehicle crash at Cebu City

Sa ngayon, malapit na nilang matapos ang nabanggit na proyekto at umaasang matatapos ito bago matapos ang taong 2022.