Tone-toneladang  Tilapia apektado ng fish kill sa Camarines Sur

Naga City- Tonetoneladang tilapia ang namatay sa Lake Buhi, sa Buhi Camarines Sur.

Ang nasabing fish kill ay naganap pagkatapos maapektuhan ng Bagyong Paeng ang Buhi at Bicol Region.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mark Anthony Nazarea, tagapagsalita ng LGU, sinabing sa inisyal na datos na ng Lake Development Office (LDO), umaabot na sa tinatayang 35 tonelada ng tilapia na nagkakahalaga ng mahigit sa Php 3.6 milyon ang mga namatay galing sa fish cages ng Barangay Tambo pa lamang. Hindi pa kasama sa bilang ang mga namatay na isda sa ilang barangay. Ang iba namang fish cage operators ipinaharvest na ang isda upang hindi na maapektuhan kahit alanganin pa ang laki.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Sa update naman ni Nonie Enolva , tagapagsalita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Bicol posibleng umabot sa Php 3.9 milyon ang pinsala kung marketable sizes ang mga namatay at kung aabot pa sa 39 tonelada.  Posibleng resuspension ang rason, nagalaw masyado ang ilalim ng lawa.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Patuloy naman ang assessment ng Department of Agriculture  (DA) – Bicol sa pinsala sa agrikultura ng Bagyong Paeng.