Mahigit 6,000 kataong inilikas, ligtas na nakabalik sa kani-kanilang tahanan matapos ang pananalasa ni bagyong Paeng sa Bicol

LEGAZPI CITY – Aaabot sa 6, 071 katao na katumbas ng 1, 843 na mga pamilya ang ligtas nang nakauwi sa kani-kanilang tahanan sa bayan ng Camalig matapos ang pananalasa sa Bicol Region.

Ayon sa local na pamahalaan ng nabanggit na bayan, pinabalik na ang mga residente sa kanilang barangay dahil maayos na ang kalagayan ng panahon at wala na ring storm signal ang rehiyon.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Aniya, sinimulan na rin ng Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office (MDRRMO) at Municipal Engineering Office (MEO) ang paghahakot pabalik sa kanilang tinutuluyan.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Kabilang sa mga inilikas ng lokal na pamahalaan ay mga nasa peligrong lugar o residenteng nakatira sa high-risk areas.

Sinabi pa ng LGU na wala ring naiulat na casualty dahil sa bagyo.