May-ari ng Backride Palawan, pwedeng ireklamo ng Estafa- Atty. Caluna

Maaari ireklamo ng Estafa ang may-ari ng Backride Palawan na isang Transport Service sa Puerto Princesa, ayon kay Atty. Joemar Caluna.

Ito ay kung hindi umano maibibigay ang serbisyong ipinangako sa mga tauhan o riders niya simula nang ito ay mag-apply sa kanya tulad ng insurance.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Sa panayam ng Tira Brigada, sinabi ni Atty. Calluna na nakapaloob ito sa Art. 316 revised Penal Code kung saan mayroong pananagutan ang may-ari na ibalik ang pera kung hindi nabigay ang serbisyo sa tauhan.

Pinapayuhan ni Atty. Caluna ang mga nagrereklamong riders na sumulat sa may-ari para sa demand na maibalik ang inihulog.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Napag-alaman ng Brigada sa Standard Insurance na 53 lang ang insured na riders ngayon ng Transport Service.

Samantala, iginiit ng abogado na wala pa ngayong batas na nagpapahintulot na mamasada o kumuha ng pasahero ang 2 wheel vehicle.