PDRRMO So.Cot, namahagi ng food packs sa mga residente ng Purok Spring, Brgy. Lampari

KORONADAL CITY- NAMAHAGI ng 80 mga food packs ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO sa mga pamilya na apektado ng suspected cholera outbreak sa Purok Spring, Barangay Lampari sa bayan ng Banga, South Cotabato.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Maliban sa food packs, namigay din ang PDRRMO ng 40 mga hygiene kits sa mga biktima na patuloy na ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital (SCPH).

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Matatandaan na nasa 70 mga indibidwal sa naturang lugar ang nagkasakit na hinihinalang dahil sa maruming tubig na kanilang iniinom.

Sa nasabing bilang, tatlo na ang binawian ng buhay.