LEGAZPI CITY – Umabot sa mahigit 200 mga pamilyang mahihirap ang naitala sa buong rehiyon ng Bicol noong taong 2021 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol.
Batay sa inilabas na datos ng tanggapan, nasa kabuuhang bilang ito ng 293 mga pamilyang Pilipino mula sa nabanggit na rehiyon at katumbas ng 21.9% poverty incidence.
Mas mataas ito kumpara noong taong 2018 kung saan nasa 20.0% lamang ito.
Sa parehong datos, nakuha ng Camarines Sur ang pinakamataas na porsyento ng poverty incidence kung saan mayroon itong 29.8%; samantalang nakuha naman ng Albay ay pinakamababang poverty incidence na nasa 15.4% ng mga pamilya.