Apoy na sumiklab sa isang gusali sa Puerto Princesa, mabilis naapula

Mabilis na naapula ang apoy na sumiklab sa loob ng isang 2 storey building sa City Fishport Complex, Calle Bajo, Brgy. Tagumpay, Puerto Princesa City kahapon, ika- 13 ng Oktubre 2022.

Read More:  Fetus found inside female comfort room at Negros Occidental Coliseum

Ayon sa City Fire Station, sumiklab ang apoy bandang alas-diyes ng umaga kahapon sa TRITON PRODUCTS CORPORATION pero hindi na ito kumalat pa kaya hindi rin nagkaroon ng malawak na pinsala at wala rin nasaktan.

Read More:  10 soldiers injured after military convoy ambushed in Basilan

Ang lahat ay patuloy na pinag-iingat sa nakakamatay na sunog.