De Lima nakakaramdam pa rin ng pananakit ng dibdib matapos ang hostage-taking

Nananatili parin sa Philippine National Police General Hospital ang nakakulong na si Sen. Leila de Lima, dahil nakakaramdam parin umano ito ng pananakit ng dibdib matapos ang pangho-hostage sa kanya noong Linggo. 

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., pinayagan si De Lima na manatili sa PNP hospital para patuloy na mamonitor ang kondisyon nito.

Read More:  Senate committee to investigate Tacloban City school shooting, online gaming platforms

Sa oras na ma-clear na, ibabalik ang dating senadora sa custodial center, pero sa bago na nitong selda.

Matatandaan na noong Hunyo, sumailalim ito sa major surgery sa Manila Doctors Hospital, matapos madiagnose ng Pelvic Organ Prolapse Stage 3.

Read More:  DSWD completes nationwide distribution of P5,000 fuel assistance

Samantala, kinumpirma din nito na nagnegatibo siya sa COVID-19, matapos na maging close contact ni DILG Sec. Benhur Abalos na positibo sa virus.