Ordinansa para maideklarang protected area ang Mayanga Island sa Olongapo, hihilinging maipasa

Hihilingin sa sangguniang panlungsod ang pagpapasa ng ordinansa na magagamit ng mga otoridad para protektahan ang sea garden na planong ilagay sa paligid ng Mayanga Island sa Olongapo.

Ito ay para tiyaking hindi magagalaw ang mga artificial coral reef na ilalagay ng city government sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon kay OIC ng City Agriculture Francis Ela Maniago, ito ang magsisilbing breeding ground ng mga lamang dagat maliban pa sa itatayong pasilidad sa isla na gagawing hatchery at nursery ng mga isda.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Dahil dito, gusto ni Maniago na magtakda ng panahon para pansamantalang ipagbawal ang anumang uri ng pangingisda sa lugar sakaling maideklarang marine sanctuary.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO