Selebrasyon ng World Rabies Day naging matagumpay, mahigit 300 alagang hayop nabakunahan at nakapon

SORSOGON CITY – Umabot sa 376 na alagang hayop ang nabakunahan at nakapon ng City Veterinary Office sa lungsod bilang aktibidad sa selebrasyon ng World Rabies Day.

Nagsimula ang libreng castration, anti-rabies vaccine at deworming noong Setyembre 27 at nagtapos noong Setyembre 29.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa ulat ng City Vet na si Dr Alexander Destura, nakapagtala ang kanilang opisina ng 85 na pagkapon, 143 na pagbakuna at 148 na deworming habang 196 na dog owners ang nabigyan ng naturang serbisyo.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Sa ngayon, puspusan pa rin ang pag-iikot ng opisina ng City Vet para sa kanilang target na 80% populasyon o 17,000 na alagang aso at pusa sa lungsod na mabakunahan kontra rabies.