PUSANG NAGRAMBULAN, DAHILAN NG SUNOG SA CEBU

Dahil umano sa dalawang pusang nagrambulan kaya sumiklab ang sunog sa Villalon Drive sa Sityo Lower Panaghiusa, Barangay Capitol Site, sa lungsod ng Cebu.

Nalaman na umabot sa dalawampu’t isang bahay ang totally damaged habang tatlo naman ang partially burn sa nasabing sunog.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Sa kabuuan umabot sa apat na pu’t anim na mga pamilya ang naapektuhan ng sunog o nasa isang daan at apat na’ pu’t siyam na mga indibidwal.

Sa salaysay ng may ari ng bahay na pinagmulan ng sunog, sinabi ni Beltran Gador na malaki ang kanyang paniniwala na ang dalawang pusang nagrarambulan sa kanilang kisame ang dahilan upang mag-spark ng linya ng kuryente.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ayon naman kay FO3 Fulbert Navarro ng Cebu City Fire Office, na hindi nila isinantabi ang naging pahayag ni Gador ngunit kailangan pa nilang magsagawa ng malalimang imbestigasyon ukol sa totoong pinagmulan ng sunog
#