Truck na papuntang kasalan, naaksidente sa bayan ng Roxas

Tumagilid ang isang truck ng munisipyo na sinasakyan ng mga residente na patungo sana kasalan sa Barangay Bagong Bayan Roxas Palawan.

Sa impormasyon na nakalap ng Brigada News, ang truck ay naaksidente bandang alas kwatro ng umaga kanina sa Barangay Taradungan, Roxas.

Read More:  26 hurt as modern jeepney and delivery truck collide in Cebu

Sa inisyal na impormasyong nakalap ng Brigada, nadulas umano ang truck sa pababang bahagi ng kalsada dahilan para mawalan ito ng kontrol.

Read More:  Newborn baby girl found at Bohol college parking area

Wala namang naiulat na lubhang nasaktan sa aksidente.