Bawas presyo sa kuryente sa Zambales ipapatupad

Inanunsyo ngayon ni Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na magbabawas rin ng bayarin sa kuryente ang dalawang electric cooperative sa lalawigan.

Ito ay matapos ang pakikipagpulong sa pamunuan ng ZAMECO I at ZAMECO II kasama ang iba pang opisyal ng probinsiya.

Read More:  65 fire-hit families in Boracay receive aid from Bong Go’s team

Sa anunsyo ni Cong. Khonghun, ang ZAMECO II ay magbabawas ng mahigit limang piso kung saan mula sa 20.47/kwh ay bababa ito ng 15.01/kwh.

Ang ZAMECO I naman mula sa 18.32/kwh ay bababa ng 14.71/kwh kung saan mahigit tatlong piso ang mababawas.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Samantala, magiging epektibo umano ito ngayong buwan ng Setyembre.

Matatandaan nitong nakalipas na linggo ay una na ring inanunsyo ng kongresista at Olongapo Electricity and Distribution Company, Inc. ang pagbabawas naman dalawang piso.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: CONG. JAY KHONGHUN